SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

KC Concepcion, ‘pumapag-ibig’ muli

Alwin Ignacio
Published on
NAKABAKALADRA sa Instagram story ni KC na tila magkasama sila ni Aly sa Paris.
NAKABAKALADRA sa Instagram story ni KC na tila magkasama sila ni Aly sa Paris.LARAWAN MULA SA FACEBOOK

Takang-taka at hustong mahibang ng mga netizen, pati na rin ang sandamakmak na Sharon Cuneta at Gabby Concepcion fandoms, kasi nga kahit tapos na ang Valentine, ayaw paawat ang chika tungkol kay KC Concepcion, na pumapaibig siyang muli at ang kanyang diumanong kasintahan, ay ang lalaking minsan ay naging magkatipan sila, ang dating Azkals player na si Aly Borromeo.

Naku patotoo ito na talagang marami ang gustong-gusto na hindi kiyeme latik at katotohanan, at pawang katotohanan lamang ang reunited and it feels so good hanash na ito tungkol kina Kristina at ginoong Borromeo.

Walang gustong kalimutan agad ang Instagram story ni master Borromeo kung nagbahagi siya ng larawan na may kayakap na babae na nakasuot ng cream na jacket at naka-ponytail ngunit may takip ang mukha.

Ang paandar pa ni Aly rito ay: “Happy Valentine’s!! [pink heart emoji].”

Ang mga daldakina, katkatera at ang may pribelihiyong magsuplada, ang kanilang konklusyon, ang natatanging mega daughter ni Mega Ate Shawie at Papa Gabo ang babaeng yakap-yakap na babae ni Aly.

Pangmalakasan kasi ang pagkakahawig ng mystery girl sa aktres lalo na ang dimples at, yes oh yes, magkawangis rin ang kanilang face.

Sa mga hindi nakakaalam, pati na rin sa kuno ay walang pakialam pero atat na atat naman, si Aly ang dating team captain ng Azkals, ang national football team na nagre-represent sa Pilipinas sa mga international tournaments ay ex ni binibining Concepcion.

Kamakailan, matatandaan na unang naging trending chika ang balikan nina Kristina at Aly kasi nga nakabakaladra sa Instagram story ni KC na tila magkasama sila ni Aly sa Paris.

May post rin ang mega daughter na noong October 2024 kung saan dumalo siya sa Azkals Celebrity Cup kung saan kabilang si Aly sa mga players.

Ang dramaramang emote nga ni KC patungkol rito ay: “Rain couldn’t stop the game ⚽️💧✨ Came full circle being around the sport, my crew, and the football fam again! 🔥 Thanks for the invite fam. Sunday’s best.”

Kung talagang sina KC Concepcion at Aly Borromeo nga ay nagkabalikan na, naway sa susunod nilang postings, eh kwentas claras na ang lahat. Hindi naman dapat takpan ang magandang mukha ni KC lalo na kung siya talaga ang kasama ni master Borromeo sa larawang ipinagmayabang nung araw ng mga puso.

Ang gandang Kristina Cassandra Concepcion, hindi dapat tinatabingan, hindi ba naman? Kaya kung sila ay back in each others arm, dapat maging proud si Aly na talagang she is the one noh!

Sa true lang, magiging maligaya ang lahat kung talagang sina KC Concepcion at Aly Borromeo ay nagmamahalan muli. Ngayon pa lang, sabay na sabay tayong magsigawan, mabuhay ang bagong kasal, KC Concepcion-Borromeo at Aly Borromeo!

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph