SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

PhilHealth packages para sa dengue inilunsad

PhilHealth packages para sa dengue inilunsad
Published on: 

Sinigurado ng Philippine Health Insurance (Philhealth) na bukas ang access nito sa mga mamamayan sa kabila nang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay PhilHealth Senior Vice President for Health Finance Policy Sector Israel Francis Pargas, mayroong pagpipilian na tatlong packages ang mga pasyente. Una na dito ang primary care benefit o ang konsulta na siyang service provider ng Philhealth kung saan maaari makapagpacheck up ang mga nakakaramdam ng sintomas ng dengue ng libre maging ang laboratory nito.

Ang ikalawa naman ay kapag ang pasyente ay dinala sa emergency room dahil sa mga sintomas ng dengue ngunit hindi naman kinakailangang ma-admit. Maaari din silang makatanggap ng compensation sa ilalim ng outpatient emergency care package.

Ang pinakahuling package naman ay para sa mga admitted na pasyente na mayroong diagnosis ng dengue at maaaring makatanggap ng benepisyo na P19,500 na compensation aty kapag Malala naman ang kaso ay nasa P47,000 ang makukuha.

Simula ng taong 2025 hanggang Pebrero 15 ang bilang ng kaso ng dengue ay 43,732 na siyang 56 percent na mas mataas kumpara sa 27,995 na mga kaso noong nakaraang taon. 

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph