Inaresto ang isang 26-anyos na security guard matapos manaksak ng isang lalaki na naghatid sa kanyang misis sa kanilang tahanan sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, noong Huwebes.
Ayon sa imbestigasyon, nakita ng suspek ang kanyang asawa at ang biktima na magkasakay sa motorsiklo, na agad nitong ikinagalit dahil sa matinding selos.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa, na kalaunan ay nauwi sa pananaksak.
Nasaksak sa dibdib ang biktima at agad siyang isinugod sa ospital.
Posibleng maharap ang suspek sa kasong frustrated homicide, ngunit tumanggi itong magbigay ng pahayag.