SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Panagbenga Festival, dinagsa ng mga turista

Panagbenga Festival, dinagsa ng mga turista
Published on

Nagsimula na ang taunang Panagbenga Flower Festival sa Baguio City, kung saan tampok ang makukulay na float parade at street dance na nagbigay-aliw sa mga manonood.

Sinimulan ang Grand Street Dance Parade kaninang alas-8 ng umaga sa Panagbenga Park, dumaan sa Session Road, Harrison Road, Jose Abad Santos Drive, at Lake Drive, at nagtapos sa Melvin Jones Football Field.

Nakilahok sa street dance ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan, suot ang kanilang tradisyunal na kasuotan upang ipakita ang mayamang kultura ng Cordillera.

Libu-libong turista ang pumuwesto sa ruta ng parada upang mas malapitan at makunan ng litrato ang makulay na selebrasyon.

Dahil sa dami ng bumisita, halos fully booked na ang lahat ng hotel sa lungsod. Samantala, bilang paghahanda sa patuloy na pagdagsa ng mga tao, naghanda rin ang traffic management ng mga alternatibong ruta upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph