Ang paghahain umano ni Vice President Sara Duterte ng petisyon sa Korte Suprema ay nagpapakita na posibleng takot ito sa impeachment trial na isasagawa ng Senado.
Ayon ito kay House Assistant Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Party-list kasunod ng pagpetisyon ni VP Sara sa Korte Suprema na ibasura ang impeachment case laban sa kanya.
Iba pa ito sa parehong petisyon na inihain ng ilang mga abogado mula sa kanyang mga kababayan sa Davao na konektado sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Acidre, ang petisyon ay taliwas sa unang pahayag ngh bise president na welcome sa kanya ang mga reklamong inihain ng 215 na miyembro ng Kamara de Representantes at naipadala sa Senado.
Isa na rito ang naging pagbabanta ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Giniit ng mga miyembro ng House prosecution team, mabigat ang ebidensya sa paratang na ito.