P2 provisionary fare, hinirit sa LTFRB

(FILES) Jeepneys ply Philcoa and Commonwealth Avenue in Quezon City on Friday 12 January 2024.
Analy Labor
Humihirit ng provisional fare increase ang ilang mga transport groups kasunod ng nakabinbin na petisyon nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon sa mga transport groups, ipinaglalaban nila ang P2 na dagdag pasahe hanggang hindi pa napagdedesisyunan ng LTFRB ang hirit nila na P5 na dagdag sa minimum fare.
Ayon naman sa LTFRB na posibleng sa Abril ay mailalabas na nila ang kanilang desisyon ukol sa petisyon at pag-aaralan muna nila ang magiging epekto nito sa mga pasahero at maging sa ekonomiya.







