Mt. Pulag, pansamantalang isasara sa mga hikers


Inanunsyo ng pamunuan ng Mt. Pulag sa Benguet na pansamantalang isasara ang Campsite 1 & 2 upang maisagawa ang rehabilitasyon at paglinis sa bundok.
Ito ay sa kabila ng naobserbahan ng pamunuan ng Protected Area Management Office (PAMO) na ang naturang lugar ay puno ng basura sa kabila ng regular na paglilinis dito.
Ayon kay Mt. Pulag Protected Landscape (MPPL) Protected Area Superintendent Emerita B. Albas, papatawan nila ng parusa ang mga campers na napag-alamang nag-iwan ng kanilang basura sa campsite. Aniya, ang muling pagbubukas ng mga nasabing campsite ay iaanunsyo na daw kapag ito ay napagpahinga na.
Hiling din ng pamunuan sa mga camper na dalhin ang kanilang mga basura at magdala ng sariling tubigan o tumbler upang maiwasan ang pagkalat ng mga basura sa kapaligiran. Hinihikayat din nila na magsanay ang mga umaakyat ng "Leave No Trace Principles" at tumulong na mapanatili ang natural na kagandahan ng Mt. Pulag.
Ang Mt. Pulag ay may taas na 2,922 m above sea level at ito ang ikatlong pinakamataas na bundok sa bansa, ito ay naiproklamang National Park by virtue of Pres. Proclamation No. 75 noong February 20, 1987 at may sukat na 11,550 ektarya. Ito ay itinatag upang protektahan at mapanatili ang mga likas na katangian ng bundok tulad ng mga namumukod-tanging halaman at wildlife nito. Ito ay kabilang sa Cordillera Biogeographic Zone.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…