
Nagbigay tulong na pinansyal ang Migrant Workers Office sa Washington D.C. sa 12 Overseas Filipino Workers na apektado ng kamakailang insidente ng sunog noong nakaraang buwan sa Cayman Islands.
Ang bawat OFW ay makakatanggap ng $856.06 o nasa P50,000 para makatulong sa kanilang personal na gastusin at sa relokasyon.
Ayon kay Labor Attache Saul De Vries, ang pagtulong na ito ay direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.at Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac upang mabigyan ng agarang tulong ang mga pilipinong nangangailangan doon.
Lubhang nangangailangan ng tulong ang mga OFW matapos masunog ang kanilang mga inuupahang bahay.
Ang tulong ay ipinamahagi sa pamamagitan ng Philippine Honorary Consul sa Cayman Islands.