CAMANAVA pinaigting ang laban kontra dengue

Nagsimula na sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela o CAMANAVA ang mga hakbang para mabawasan ang pagtaas ng kaso ng dengue.
Sa lungsod ng Valenzuela, Iniulat ng local na pamahalaan na sila ay nmakapagtala ng hindi bababa sa 273 na kaso mula Enero 1 hanggang Enero 31. Mas mataas ito ng 101 na porsyento kumpara sa kaparehong panahon nuing nakaraang taon
Isang masusing clean-up drive ang inuna ng lokal na pamahalaan na kinabibilangan ng mga potensyal na lugar kung saan maaaring dumami ang Aedes Aegypti — isang lamok na nagdadala ng dengue.
Iniulat naman ng lokal na pamahalaan ng Malabon City na ang Barangay Longos ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso ng dengue na may 29, habang tig-iisang kaso ang naiulat sa mga Barangay Flores, Acacia, Muzon at Bayan-Bayanan.
Kabilang sa mga hakbang ng lungsod ay ang pagsasagawa ng clean-up operations sa mga pangunahing lugar na may mataas na kaso ng dengue, pagkolekta ng basura sa mga kalsada at pag-inspeksyon sa daluyan ng mga tubig sa lungsod.
Samantala, nakatala ang Navotas City ng 18 kumpirmadong kaso ng dengue, kung saan ang Barangay Daanghari ang may pinakamataas na bilang ng kaso na may 13.
Sa Caloocan City, nagsasagawa pa rin ng dengue validation cases ang City Health Department, gayunpaman, inatasan sila ni Mayor Dale Gonzalo Malapitan na i-validate ang mga kaso ng dengue at paigtingin ang fumigation efforts.
