
Public disaster risk reduction and management (DRRM) workers should receive greater compensation and protection for…

‘During the rainy season, houses are no longer flooded. Families who have been affected for a long time no longer need…

Locally made products from Ilocos Sur were exhibited in a trade fair at the Gate Covered Pathway, Quezon City Hall…

Public works crews are carrying out overnight road reblocking and repair activities along several major thoroughfares…

Leptospirosis cases in Quezon City have risen to 161 from 1 January to 13 August, according to the city’s latest…
Masaya at tila isang karangalan para sa aktres at It’s Showtime host na si Karylle na mapasama sa pelikulang Quezon bilang Aurora Quezon, ang asawa ng dating Pangulong Manuel Quezon. Ang pelikula ay ididirek ni Jerold Tarog.
Tatalakayin ng pelikulang ito ang talambuhay ng dating pangulo ng bansa na si Manuel Quezon.
Sa kanyang post sa social media, ipinakita ni Karylle ang larawan kasama ang kanyang mga makakatrabaho, pati na rin ang kanyang paghahanda para sa pelikula.
Makikita rin na siya ay nagsasagawa ng sariling pananaliksik ukol sa dating Unang Ginang, kung saan siya ay nasa isang silid-aklatan sa Singapore.
Nangako rin si Karylle na pagbubutihin niya ang kanyang pagganap bilang Unang Ginang at inilahad niyang excited na siya para sa taping.
Makakasama ng aktres sa pelikula sina Jericho Rosales, na gaganap bilang Quezon, pati na rin sina Mon Confiado, Benjamin Alvez, Romnick Sarmenta, at iba pa.
Ang pelikulang Quezon ay ang ikatlong pelikula ng TBA Studios na kabilang sa “Bayaniverse.” Nauna na rito ang Heneral Luna noong 2015 at Goyo: Ang Batang Heneral noong 2018. Ang pelikula ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong taon.