Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Agriculture (DA) dahil sa mga reklamong natanggap nila na mayroong bukbok ang mga bigas na ibinenta sa Kadiwa Market sa Quezon City.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel De Mesa, sisiyasatin nila kung dumaan sa pagsusuri ang mga bigas na nailabas at naibenta na sa Murphy Market sa Quezon City.
Iginiit niya na ang ganitong insidente ay maituturing na isang isolated case lamang dahil ngayon lang sila nakatanggap ng ganitong report.
Sinisigurado rin nila na ang mga bigas na galing sa bodega ng National Food Authority (NFA) ay may magandang kalidad bago ilabas sa merkado.