
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Sa kabila ng babala ng Commission on Elections na ang mga bawal na poster na pangkampanya sa halalan ay dapat alisin ng mga kandidatong isinusulong ng karatula, ang mga tauhan pa ng ahensya ang nagbaklas ng mga ito dahil dinedman lamang sila ng mga may-ari at naglagay ng mga ito. Naubos ang oras nila sa pagtatanggal ng napakaraming poster na panghalalan sa iba-ibang lugar sa Kamaynilaan.
Dahil sa nabalewala sila sa kabila ng banta nilang ipawalang bisa ang kandidatura ng mga mukha ng nasa mga binaklas na poster, dapat lamang tuparin nila ang parusa laban sa mga lumabag sa patakaran. Dapat lamang panindigan nila ang banta nila nang sa gayon ay maturuan ng leksyon ang mga mapangahas at pasaway na kandidato upang di na maulit ang paglapastangan sa regulasyon ng Comelec.
Dahil wala o kaunti lamang ang napupuruhan ng kaparusahan, malakas ang loob ng mga kandidato na labagin ang regulasyon.
Subalit kapos pa ang ginawang pagbabaklas ng mga ilegal na poster, dahil sadyang napakarami nito. At hindi naalis ang mga legal na poster ngunit nakabalandra naman sa mga bangketa at nakakaperwisyo sa mga pedestrian.
Oo, nagkalat rin ang mga pangkampanyang poster na nakasabit sa mga poste sa bangketa at humaharang sa mga dumaraan. Tinatakpan rin ng mga ito ang kalsada kaya namemeligro ang mga taong tatawid sa daan dahil hindi nila nakikita kung may mga kotseng parating.
Walang modo ang mga nagkabit ng mga poster na humaharang sa mga naglalakad sa bangketa at dapat silang makasuhan rin ng obstruction.
Kung ang mga nagtitindang bumabara sa mga bangketa ay tinatanggal ng mga taga-Metropolitan Manila Development Authority upang makadaan ang mga tao at maging ligtas sila sa sakuna, marapat na tanggalin ang mga poster na ikinabit sa mga poste dahil sa peligrong maaaring idulot ng mga ito.
Dahil sa ganitong mga pasaway na kandidato at naglalagay ng mga pesteng poster, dapat isama na ng Comelec ang MMDA sa kanilang Operation Baklas, na siyang bihasa sa pagtatanggal ng anumang obstruction sa bangketa.