SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Jericho Rosales gaganap bilang Manuel L. Quezon

Jericho Rosales: We’re getting to know each other.
Jericho Rosales: We’re getting to know each other.
Published on

Gagampanan ng aktor na si Jericho Rosales ang buhay ni dating Pangulong Manuel L. Quezon sa biographical historical movie na Quezon, na ginawa ng TBA Studios at inanunsyo ngayong Martes.

Ito ang pagbabalik-pelikula ng aktor matapos ang pitong taon mula sa huli niyang pelikula, The Girl in the Orange Dress, na bahagi ng Metro Manila Film Festival 2018.

Ilalathala sa pelikula ang buhay ni Quezon bilang isang abogado at sundalo, pati na rin kung paano siya naging pangulo ng bansa mula 1935 hanggang 1944.

Inilarawan ni Rosales si Quezon bilang isang "tuso, kaakit-akit, at matalino", na aniya ay kapana-panabik bigyang-buhay sa pelikula.

Makakasama rin niya sa pelikula sina Karylle, Romnick Sarmenta, Benjamin Alves, Cris Villanueva, at Mon Confiado.

Pagsiwalat ng direktor at co-writer ng pelikula na si Jerrold Tarog, na nag-audition din si Rosales sa Heneral Luna noong 2015, pero napunta ang role sa aktor na si John Arcilla.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph