SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

MUPH 2025: Puksaan edition

Photo Courtesy of Miss Universe Philippines Facebook Page
Photo Courtesy of Miss Universe Philippines Facebook Page
Published on: 

Tila magiging isang "All-star edition" ang paparating na Miss Universe Philippines ngayong taon kung saan karamihan sa mga lalahok na beauty queen ay mga beterana na.

Ipinakilala ang 69 na kandidata sa prestihiyosong kompetisyon sa Makati Shangri-La noong Sabado ng hapon, 15 Pebrero. Tinawag naman ng mga netizen na puksaan ang magaganap dahil ang mga front-runner ng kumpetisyon ay sumali at nanalo na sa ibang major pageant.

Inaasahang mahihirapan ang mga hurado sa pagpili ng karapat-dapat na mag-uuwi ng korona dahil tila magiging mahigpit ang kompetisyon.

Kabilang ngayong taon sina Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez, Miss International 2018 first runner-up Ma. Ahtisa Manalo, Miss Earth Air 2023 Yllana Marie Aduana, Binibining Pilipinas Globe 2022 Chelsea Fernandez, at Binibining Pilipinas Supranational 2017 Chanel Olive Thomas.

Ipinakilala rin si Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida bilang bagong National Director ng MUPH, kapalit ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup-Lee.

Wala pang inanunsyong petsa kung kailan gaganapin ang gabi ng koronasyon, kung saan ipapasa ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo ang kanyang korona.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph