Doc Willie Ong, umatras na sa pagtakbo bilang senador


Inihayag ni Dr. Willie Ong ang kanyang opisyal na pag-atras mula sa pagtakbo bilang senador sa darating na eleksyon dahil kailangan niyang magpokus sa kanyang kalusugan.
Sa isang post sa Facebook, nangako si Dr. Ong na susuportahan ang mga kandidatong nagsusulong ng mabuting pamamahala at nagbabahagi ng magagandang values at handang tumulong sa mahihirap.
Matatandaang noong Setyembre ng nakaraang taon, inihayag ni Dr. Ong na siya ay nakikipaglaban sa cancer at ang doktor ay nakakita ng 16 x 13 x 12 cm na sarcoma sa kanyang tiyan. Ngunit noong Disyembre, sinabi nito na siya ay idineklarang cancer-free.
Noong Setyembre ng nakaraang taon, inanunsyo rin niya ang kanyang kandidatura sa pagiging senador.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…