
Tinitingnan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagpapalakas ng mga regulasyon sa drone sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba pang ahensya.
Ayon kay CAAP Director General Capt. Manuel Antonio Tamayo, nais nilang higpitan ang regulasyon ng drone sa bansa upang makontrol ang paglaganap ng pagpapalipad ng drones, lalo na sa mga paliparan.
Dagdag pa ng CAAP, nakipagpulong ito sa Department of Trade and Industry, Philippine National Police Aviation Security Group, at Office of the President’s Anti-Terrorism Council upang talakayin ang pagpapalakas ng pangangasiwa sa regulasyon, pag-streamline ng mga prosesong administratibo para sa mga gumagamit ng drone, at pagpapahusay ng inter-agency coordination.
Layunin din ng regulasyong ito na mas maging ligtas ang mga eroplano sa bansa. Bukod dito, nais din nilang ipakilala ang isang accessible online registration system at isang komprehensibong programa sa kaligtasan.