Bianca Umali, pangmalakasang panonopla, pinalakpakan!

Classy at intelihente, iyan ang sweeping na reaksyon ng mga netizen na pinanood ang isang video ni Bianca Umali, kung saan ang isang patnugot ay may tinanong sa kanya tungkol sa billing issue daw para sa pelikulang “Mananambal.”
Halatang dismayado si binibining Umali sa nasabing pagtatanong na nangyari sa pulong balitaan para sa pelikula kung saan kasama niya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts, si Ms. Nora Aunor.
Sinopla in a major, major way ni Umali ang patunugot ng isang tabloid dahil nga ang “billing issue” na pinalulutang nito ay salat sa katotohanan.
Sa tugon ni Bianca, hindi makatwiran at walang merito ang nasabing pagtatanong. Ikinabigla pa nga niya ito pero kalmadong-kalmado ang pamamaraan niya sa habang pinapaliwanag niya ang kanyang posisyon sa halatang-halata naman isang isyu na gawa-gawa lamang.

BIANCA Umali
LARAWAN MULA SA FACEBOOK
Para kay Umali, isang malaking karangalan ang makatrabaho ang nag-iisang Superstar, isa itong pangarap na nagkatotoo, master class pa nga ito para sa kanya.
Dahil sa pangyayaring ito, ang tabloid patnugot, kaliwat kanan ang tinanggap na pambabatikos sa social media.
Ilang halimbawa: “Iyong ininvite ka sa presscon para magpasikat, mang-embarrass. Pangit na culture sa showbiz to think na sa kanila nagsisimula ang bullying at exploitation.”
Ito pa: “Ma-iisue si bakla. Walang gaanong isip. Enabler si bakla.”
Meron pa: “Hahaha! 100% supalpal, tanong ng walang utak,mantakin mo bang makikipag-unahan ka sa billing ng isang National Artist. Kundi ba naman utak biya ang nagtanong.”
Ang takang-taka rin ang lahat, merong Society of Philippine Entertaiment Editors (SPEED), bakit kaya tahimik sila at walang pahayag sa nasabing insidenteng ito? Hindi ba miyembro ang nasabing patnugot sa kanilang grupo kaya wala silang pakialam sa “pagkakalat” nito? Wala rin ba silang balak na magbigay ng opisyal na pahayag patungkol sa pangyayari lalo na nga’t dahil sa asal at maintrigang pagtatanong nitong patnugot, eh damay-damay ang lahat ng mga reporter, patnugot at mga kolumnista dahil ginawa niyang ito?
Naku, naku, naku… ano ba yan?
Itatanghal sa mga sinehan “Mananambal” ngayong 19 Pebrero.
***
Ngayong malaking tagumpay ang ikalawang pagtatanghal ni Mark Herras sa bahay aliwan para sa mga bakla at matrona at sangrekwa na rin ang mga panayam niya, super relevant at ang ang media value nito, ang taas-taas, huh!
Alam mong made na made na naman si Herras dahil may isang baklang alam mong pinagagalaw ang kanyang kayamanan para mapag-usapan dahil nga may nagbibigay malisya diumano sa isang pagkakataong sila ay nakitang magkasamang sa isang pagtitipon. Juice colored! Ang bakla, para-paraan talaga para sa media mileage eh wala namang siyang kahit na anong inambag sa industriya ng showbiz.
Sa panayam ni King of Talk Boy Abunda sa dating tinaguriang bad boy of the dance floor, maraming humanga sa matalinong pagsagot nito tungkol sa kanyang pagsasayaw sa gay bar at talaga namang ang mga kamera sa Kamuning, kuhang-kuha ang kanyang kaguapuhan at yumminess.
Mga taga Kapuso, wag niyong sayangin ang importansya, saysay at media value na meron si Mark Herras ngayon, pati ang bagong set of fans niya na humahanga sa kanyang pagpapakatotoo at mabuting padre de familia, bigyang proyekto niyo na iyan lalo na nga kung talagang totoong may puso kayo, huh!
