
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Bukod sa mga senior citizens, ang mga may kapansanan ay saklaw ng batas sa pagbibigay ng 20 porsyentong diskwento sa pagkain, gamot, groserya at pamasahe. Upang makadiskwento, ipakikita lang ang angkop na ID sa kainan, tindahan o kunduktor upang mabawasan ang babayaran nilang pagkain, gamot, groserya o pamasahe.
Malaking tulong sa mga matatanda at mga may kapansanan ang diskwentong 20 porsyento dahil malaki ang kanilang titipirin sa bayarin. Hindi nga lang ito pabor sa mga kainan, tindahan at mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan dahil malaking kabawasan naman ito sa kanila kita. Wala naman nagrereklamo sa patakarang ito na matagal na rin namang ipinatutupad sa buong bansa. Maraming matatanda at may kapansanan ang nakikinabang dito.
Subalit umaaray ang mga negosyante sa mga kumakain at namimili sa kanila na nagpapanggap lamang na PWD. Ang ipinakikita nilang ID umano ay peke, na hindi naman agarang makilatis ng mga nabibiktimang negosyante.
Nanawagan ang mga may-ari ng mga restoran sa mga umaabuso o mga nanloloko na makunsensya. Nagbabala sila na ang patuloy na pananamantala sa kanila ay ikalulugi nila at maaari pang ikasara ng kanilang tindahan o negosyo, at pagkawala ng trabaho ng kanilang mga kawani.
Talamak umano ang paggamit ng pekeng ID upang makakain ang mga nagpapanggap na PWD. May mga pagkakataon na marami rin silang sabay-sabay na kumakain at lahat sila ay pekeng PWD ID ang ipinakikita.
Sa isang pahayag sa mga peryodiko at social media, sinabi ng Restaurant Owners of the Philippines na ang PWD ID ay para lamang sa tunay na may kapansanan. Layunin nitong tulungan ang mga karapat-dapat dahil sa kanilang kondisyon.
Bukas naman ang loob ng mga may-ari ng kainan na magbigay ng diskwento na naaayon sa batas. Sana nga lang ay tumigil na ang mga nananamantala at gumagamit ng pekeng PWD ID.
Sa mga umaabuso ng batas sa 20 porsyentong diskwento, sana hindi sila sikmurain sa kinain nilang hindi naman para sa kanila.