Mga hindi rehistradong gamot, nasabat


Arestado ang dalawang Chinese national sa pagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot sa Parañaque City.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Brig. Gen. Nicolas Torre, ang operasyon ay nag-ugat mula sa mga ulat na natanggap ng kanilang ahensya. Ang mga suspek na sina Hu at Quan ay naaresto ng Detective and Special Operations Unit sa isang buy-bust operation sa Concorde Village, Tambo, Parañaque City, bandang 12:45 ng madaling araw nitong Biyernes.
Dagdag pa ni Torre, nakatanggap ang pulisya ng impormasyon tungkol sa isang grupo na umano’y sangkot sa pagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot na ipinamahagi sa iba't ibang lugar ng National Capital Region (NCR).
Sa operasyon, nasamsam ng mga awtoridad ang mga ebidensya, kabilang ang isang P1,000 na bill; dalawang kahon ng OTC 999 — Ganmaoling Keli; 20 kahon ng Glucophage — Metformin Hydrochloride Extended-release tablets; dalawang kahon ng Amlodipine Besilate tablets; tatlong kahon ng Linou - Gliclazide tablets; dalawang kahon ng OTC — Longdan Xiegan pills; apat na kahon ng Zhibai Dihuang pills; isang kahon ng Bear Bile powder; 12 kahon ng Diamicron - Gliclazide tablets; at 16 na kahon ng Bayaspirin — Aspirin Enteric-coated tablets.
Tinatayang nasa P15,000 ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na gamot.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…