Dia Mate nasungkit ang titulo na Reina Hispanoamericana 2025


Nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Dia Mate ang ikalawang korona ng bansa sa Reina Hispanoamericana na ginanap noong Pebrero 9 sa Bolivia.
Ang 23-taong-gulang na beauty queen ay mula sa kilalang pamilya ng Remulla sa Cavite.
Naiuwi rin ni Mate ang Best in National Costume award, kung saan ang kanyang kasuotan ay inspirado ng Baroque Churches of the Philippines, at ipinagawa ni Ehrra Montoya.
Tinalo niya ang 24 na iba pang kandidata mula sa mga bansang nagsasalita ng wikang Espanyol.
Naging runner-up ni Mate ang mga kandidata mula sa Venezuela, Colombia, Peru, Brazil, at Poland. Si Reina Hispanoamericana 2024, Maricielo Gamarra mula sa Peru, ang nagpasa ng korona kay Mate.
Ito na ang ikalawang korona ng bansa sa naturang patimpalak. Matatandaan na ang aktres at beauty queen na si Winwyn Marquez ang kauna-unahang Pilipinang nanalo sa Reina Hispanoamericana noong 2017.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…