Winwyn Marquez, balik pageant stage



French tire manufacturer Michelin remains bullish on the Philippines, noting that the country remains a key component…

National Cinema Day promises a one-day-only surprise as cinema stakeholders unite to bring Filipinos back to the big…

Toyota Motor Philippines (TMP) is offering free 24/7 emergency roadside assistance to eligible new Tamaraw and Lite Ace…

Online platforms and social media influencers must be held accountable for failing to follow advertising guidelines set…

The Armed Forces of the Philippines (AFP) backed calls on Monday for regulatory authorities to take decisive action…
Nagbabalik sa mundo ng beauty pageant ang aktres na si Winwyn Marquez bilang kinatawan ng Lungsod ng Muntinlupa sa paparating na Miss Universe Philippines 2025.
Kahapon, ika-8 ng Pebrero, ginanap ang official sashing at media launch event para sa beauty queen. Kinumpirma rin niya na sumasailalim na siya sa training.
Ayon kay Marquez, isa itong oportunidad at hindi isang panganib ang muling pagsali. Aniya, nararamdaman niyang ito na ang tamang panahon dahil mas natatakot siya sa posibilidad ng pagkakaroon ng “what if” at pagsisisi sa kanyang sarili.
Matatandaang binago ng Miss Universe Organization ang kanilang alintuntunin noong 2023, kung saan pinayagan nang sumali ang mga ina at transgender. Bukod dito, inalis na rin ang age limit requirement para makasali.
Si Winwyn, na kasalukuyang 32 taong gulang, ay isa na ring ina sa kanyang anak at inspirasyon na si 'Luna', na isinilang niya noong 2022.
Siya rin ang kauna-unahang Pinay na nanalo sa Reina Hispanoamericana noong 2017.
Kasama rin sa kanyang pag-anunsyo sa media launch ang kanyang pinsan na si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-aabang sa iba pang mga kandidatang lalahok sa MUPH.