SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Impeachment ni VP Sara, suportado ng matibay na ebidensya – Barbers

(FILE PHOTO) Quad Comm lead chairperson Ace Barbers
(FILE PHOTO) Quad Comm lead chairperson Ace Barbers
Published on

Inihayag ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers, na siya rin lead chairman ng House Quad Committee, na suportado ng matibay na ebidensya ang mga alegasyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni Barbers matapos ipasawalang-katotohanan ng bise presidente na hindi niya pinagbantaan na ipapapatay sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Matatandaang noong Nobyembre 2024, nagpahayag ang bise presidente na kung manganib ang kanyang buhay, may nakatakdang pumatay sa sinumang gagawa nito sa kanya. Ang kanyang live video ay nag-viral sa social media at kalaunan ay naisama bilang ebidensya sa Articles of Impeachment, kung saan 215 kongresista ang lumagda, pinangunahan ng anak ng pangulo na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos. Inihain din ng Kamara sa Senado ang impeachment noong Miyerkules.

Ayon kay Barbers, naniniwala siyang sapat na ang mga ebidensya upang suportahan ang mga paratang sa impeachment. Dagdag pa niya, nasa senator-judges pa rin ang responsibilidad na suriin ang mga ebidensya, at naniniwala siyang lalabas ang katotohanan sa impeachment trial sa Senado.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph