
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nagpost ng kani-kanilang taos pusong mensahe ang cast ng sikat na Taiwanese TV Series na Meteor Garden para sa yumaong nilang co-star na si Barbie Hsu.
Una na rito ang kanyang leading man na si Jerry Yan na gumanap bilang si Dao Ming Si, ibinahagi nito Chinese social media site na Weibo ang kanyang mensahe at nagpahayag ng kanyang taos pusong pasasalamat sa aktres.
“Thankful for meeting you. In your carefree, childlike years, you always say, treat every day as your last. Have a great time. I hope you walk slowly this time. From now on, in another world, there will be no worries and the years will be peaceful,” saad ni Jerry, base sa translation sa Ingles.
Nagpaabot din ng pakikiramay si Ken Chu na gumanap naman bilang si Xi Men sa pagpopost ng isang itim na larawan at throwback photo kasama ang ibang cast na si Jerry, Vic, at Vanness o mas kilala sa tawag na "F4".
Samantala, ang gumanap na best friend ni Shan Cai na si Rainie Yang ay nagbahagi din ng kanyang pakikidalamhati sa pamamagitan ng isan Instagram story.
“Xiyuan, thank you. I will miss you forever and love you," saad ni Rainie.
Naulila ni Barbie ang kanyang asawa na si DJ Koo, isang musician at ang dalawa nilang anak sa dating asawang si Wang Xiao Fei.
Pumanaw si Barbie dahil sa pneumonia sa edad na apatnapu't walo.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…