Magiging mahigpit sa kondisyon bago maglabas ng pondo ngayong taon ang palasyo.
Binigyang linaw ni Executive Secretary Lucas Bersamin sila ay magiging transparent sa paglalabas ng pondo, ito ay para matiyak na ang pag-issue ng pondo ay naaayon sa mga prayoridad ng pamahalaan at para ma-protektahan mula sa partisan interests.
Ito ay pagsunod na rin sa mga umiiral na batas at sa mga patakaran o maayos na pamamahala.
Isinaalang-alang ng pamahalaan ang paglabas ng pondo ay dapat nakikita ng taumbayan dahil sila ang pumapasan at nagsasakripisyo dito.
Direktang naveto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinakamalaking halaga ng appropriations na wala pang pangulo ang nakagawa noon dagdag ni Bersamin.
Ang pahayag na ito ay ginawa ni Bersamin kasunod ng panawagan ng mga kaparian sa mga mananampalataya na iwasan ang tinawag nilang Ayuda-driven 2025 national budget na sinabing nagtataguyod ng corruption.