Skip to content
DYARYO TIRADA

Ilang social media personalities ipinatawag sa pagdinig

Ilang social media personalities ipinatawag sa pagdinig

DAILY TRIBUNE JOINS HISTORIC COVENANT SIGNING AGAINST FAKE NEWS

Photo by KING RODRIGUEZ

Text size

Nasa 40 social media personalities ang inimbitahan sa unang public hearing ng House Tri-Comm kaugnay ng pagkalat ng fake news at disinformation sa bansa.

Ang pagdinig ay isasagawa ng Committees on Public Order and Safety Public Information, at Information and Communication technology sa Martes, ika-4 ng Pebrero.

Ang pagdinig ay pangungunahan ni Laguna Rep. Dan Fernandez kung saan bibigyang-diin niya ang kahalagahan na masuring mabuti ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa online at ang pwedeng maging epekto nito sa publiko at sa pambansang seguridad. Gagawa rin sila ng hakbang upang malabanan ito.

Ang mga ipinatawag na social media personalities ay tumatalakay sa mga pampulitikal na usapin sa bansa. Ipinatawag din sa pagdinig ang mga kinatawan ng Google, Meta (Facebook), at ByteDance (TikTok), gayundin ang mga opisyal ng National Bureau of Investigation, Philippine National Police, and the Department of Justice, upang matalakay ang mga hamon sa regulasyon laban sa online disinformation.

Dagdag pa ni Fernandez, kailangan mabantayan ang digital platform at makagawa ng solusyon upang masiguro na tama ang impormasyong nakukuha ng publiko at importante din na malaman ang kahinaan ng batas at polisiya.

Layunin din dito na tutukan ng mga miyembro ng Kamara ang pagpapalakas ng mga panuntunan upang mapanagot at maparusahan ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon. Inaasahan din ang malawakang diskusyon kaugnay sa dulot ng social media sa paghubog ng pananaw ng mga tao.