Helicopter, bumagsak sa Nueva Ecija, mismong piloto patay


Isang helicopter ang bumagsak sa Barangay San Miguel sa Guimba, Nueva Ecija kung saan isa ang nasawi.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP spokesperson Eric Apolonio ang nasabing biktima ay ang mismong babaeng piloto nito na siya din kinumpirma ng Guimba Police Station.
Hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng biktima dahil wala pang abiso ang pamilya nito.
Ang Robinson helicopter na may registration number RP-C 4324 umalis ng Baguio bandang alas-11:51 ng umaga ng Sabado at kalaunan ay huminto ito sa Binalonan, Pangasinan para magrefuel matapos ito hindi naman ito kaagad nakapagtake off at naghintay muna ito ng 4:30 ng hapon.
At pagdating ng 5:20 ng hapon nang nakatanggap ang Guimba Police Station ng ulat ukol sa bumagsak na helicopter sa Brgy. San Miguel at agad naman silang tumungo sa pinangarihan ng insidente.
Kaagad naman din nagtungo ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) na pinangungunahan ni (Ret.) Col. Rhomel Ronda upang malaman ang dahilan ng insidente. Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa insidente.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…