Bagyo ngayong buwan, posibleng isa lang -PAGASA


Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA wala pang namataan na low pressure area o tropical storm ngunit posibleng may pumasok na bagyo sa bansa ngayong buwan ng Pebrero.
Paglilinaw ng state weather bureau base sa mga datos ng ahensya, may posibilidad na mabuo ang isang bagyo ngayong buwan ng Pebrero na maaaring dumaan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao o pwedeng lumihis papalayo sa kalupaan, samantala, nakakaranas ng northeast monsoon ang Hilaga at Gitnang Luzon, na nagdudulot ng maulap na papawirin at pag-ulan.
Inaasahang makakaranas ng pagulan sa mga lugar ng Cagayan Valley at Aurora, habang ang Metro Manila, Ilocos Region, at Cordillera Administrative Region ay maaaring makaranas ng magaan pagulan o pagkidlat. Sa Bicol Region at Quezon Province posibleng makaranas ng pag-ulan at thunderstorm.
Pinapayuhan naman ang mga mangingisda at mga naglalayag ng maliliit na bangka na mag-ingat. Maging ang publiko ay pinaaalalahanan na maging alerto sa weather forecast.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…