

Pinalagan ng VMX star na si Robb Guinto ang chikang pa-booking siya.
Hindi nagustuhan ng dalaga ang isang convo ng dalawang guy kaya naman sinagot niya sila.
“7500 ka nga lng dati eh,” say ng guy number one.
Sumagot naman ang second guy ng, “huling booking dyan ng Bossing ko nasa 20k na.”
Dahil dito, hindi na nakapagpigil si Robb at sumali na sa usapan para ipagtanggol ang sarili niya.
“Panget mo di nga kita kilala. Kahit ikaw lang lalake sa mundo di kita papatulan. Saka yang sinasabi mo patunayan mo yan ah. Baka lampas ko pa sayo mga achievements ko tinuringang profile picture mo pa asawa mo. At sa mga tangang naniniwala tanga talaga kayo haha!” say ni Robb.
Tila hindi palalampasin ni Robb ang paninirang ito sa kanya. May mga hakbang na legal siyang gagawin sa mga naninira sa kanya.
Sa kanyang latest post sa Facebook, nagbanta si Robb na papanagutin niya ang mga naninira sa kanya.
“Sa mga nakaraang buwan, may ilang Facebook pages na ginagamit ang pangalan at larawan ko para sa paninira. Gumagawa sila ng kwento nang walang matibay na ebidensya o konkretong basehan—lahat para lang makakuha ng atensyon, engagement at kahit kaunting kita.
Hindi ko palalampasin ang ganitong paninirang-puri. Ilang taon kong pinaghirapan ang pangalan ko at nagtrabaho nang maayos nang walang tinatapakang iba. Hindi ko hahayaan na basta-basta na lang yurakan ang pagkatao ko para sa content nila,” say niya.
“Dahil sa patuloy nilang pagpapakalat ng maling impormasyon, gagawa kami ng legal na hakbang laban sa mga taong nasa likod nito. Kung may alam kayong dagdag na impormasyon, screenshot, o anumang ebidensya na makakatulong, maaari ninyo itong ipadala sa email ko.
“Wala akong intensyon na manira o manakit ng iba. Ang gusto ko lang ay ipagpatuloy ang pagbibigay saya sa mga sumusuporta sa akin.
“Hindi ako humihingi ng respeto o simpatiya, pero hindi rin ako mananahimik habang sinisira ang pangalan ko,” dagdag pa ng dalaga.