
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nagpapaligsahan ang mga Amerikano at Intsik sa paggawa ng pinakamalakas na artificial intelligence (AI) o artipisyal na talino. Nauna nang inilunsad ng OpenAI ang ChatGPT na kayang sumagot ng mga sari-saring tanong at lumikha ng mga ipagagawa ng netizen tulad ng kanta o tula.
Hindi naman nagpahuli ang Meta o may-ari ng Facebook na naglunsad ng sarili nitong bersyon ng matalinong chatbot, ang META AI, samantalang ang Alphabet na may-ari ng Google ay naglabas naman ng Gemini.
Hindi naman nagpahuli ang mga Intsik na naglunsad ng DeepSeek ngayong linggo. Ginulantang ng DeepSeek ang OpenAI at Meta dahil sa maliit na puhunang ginamit ng lumikha nito kumpara sa bilyun-bilyong dolyar na nagastos nila upang buuin ang ChatGPT at META AI. Ang balita ay nakaapekto sa presyo ng shares ng mga kumpanyang panteknolohiya na kinakalakal sa stock exchange ng Amerika. Bumagsak ang mga presyo ng kanilang shares, kabilang na ang NVIDIA na gumagawa ng mga microprocessor para sa mga computer na nagpapatakbo ng AI, na ikinalugi nila ng bilyun-bilyong dolyar. Marahil ay natakot ang mga mamumumuhunan sa kakumpetensiyang DeepSeek kaya nagbenta sila ng shares bago pa bumaba ang halaga nito.
Nanumbalik naman ang presyo ng shares ng mga naapektuhang kumpanya. Dahil dito, isang eksperto ang naghinala na nalinlang ng DeepSeek ang mga bigating kumpanyang panteknolohiya upang matapyasan ang presyo ng mga shares nila.
Kung totoo man na inabot lamang ng milyun-milyong dolyar ang ginastos sa paggawa sa DeepSeek imbes na bilyun-bilyong dolyar, ibig sabihin ay kaya ring gumawa ng AI ng mga Pilipino sa abot-kayang puhunan. Di hamak na maraming matatalinong Pilipino na may kakayahan sa ganitong larangan. Hindi nga lamang nila kayang tumbasan ang halagang ipinuhunan para sa paggawa ng ChatGPT, Gemini at META AI, na umano’y umabot sa bilyun-bilyong dolyar.
At kung may sariling AI na ang mga Pilipino, hindi na tayo aasa sa mga ibang chatbot na umaandar sa mga matitinding AI. Di hamak na masasabayan na natin ang mga teknolohiyang AI ng mga Amerikano at Intsik.