

ANG chika sa social media ay mahirap daw pakisamahan si Moira dela Torre.
LARAWAN MULA SA FACEBOOK
Marami ang naloka nang lumabas ang chikang may mga kapwa niya artists sa Cornerstone Management ang nag-unfollow kay Moira dela Torre sa social media.
Kabilang diumano sa mga nag-unfollow kay Moira sina Erik Santos, Yeng Constantino, Sam Milby at TJ Monterde.
Hindi pa malinaw kung bakit nila in-unfollow si Moira na sinasabing wala na ngayon sa pangangalaga ng Cornerstone Management.
May mga umiikot na chikang may attitude daw itong si Moira. Ewan kung totoo pero ang chikang naglalabasan ngayon sa social media ay mahirap daw itong pakisamahan.
Magkakaiba ang reaction ng netizens sa chikang in-unfollow si Moira ng kapwa niya singers.
“Edi ba bff si sam and moi? What’s d tea?:
“Eh ano nman kung in- unfollow, di Sila kawalan Kay moi... Very talented and beautiful.”
:Grabeng trabaho yarn ha taga bantay kung sino ang nag unfollow.. Panu nila ginagawa yan.”
“Hayaan na natin sya tayo din nag uunfriend or nagbloblock kapag ayaw natin eh ahahha.”
“Sya giro ung sinasabi nla yeng at Eric nung mag guest cla dun sa show ni ogie diaz. Kc may binulong si ogre sa 2.”
***
Ruffa proud kay Richard
Proud sister ang peg ni Ruffa Gutierrez dahil sa bagong achievement ng younger brother niyang si Richard Gutiertez.
Super tuwa siya para sa kanyang younger brother dahil sa magandang performance ng action series niyang “Incognito” sa Netflix dahil number one ito ngayon sa nasabing streaming platform.
Hindi lang ‘yon. Namayagpag sa ratings ang “Incognito” at tinalo niya ang kalabang programa sa first week nito.
“Good morning, beautiful people!
“It’s 9:30AM in Manila, and I’m wide awake, catching up on episodes of my favorite series, INCOGNITO, on Netflix! Thank you for making it number one and a part of your daily habit!
“Cheers to more world-class productions!” say ni Ruffa sa Facebook.
Maganda naman ang response ng netizens sa post na iyon ni Ruffa.
“Good morning miss Ruffa Gutierrez !l love to watch this series INCOGNITO on Netflix.”
“Ang ganda ng incognito ang galing nla laht bravo.”
“yass i love incognito and we’re really rooting for RICHARD GUTIERREZ we love your family!”
“I am no fan of Philippine movies and soaps but if it’s Richard Gutierrez you won’t regret it. Maganda super action Ang lahat at Daniel Padilla is a revelation. Maganda.”
“Sobrang Ganda Ng INCOGNITO wait sa susunod Ng episode #incognito #IWantTV.”