SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

PBBM binigyan ng executive clemency si dating Iloilo city Mayor Jed Mabilog

[FILE PHOTO] Former Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, who went into hiding after being accused of being a ‘major drug protector,’ burst into tears as he pleaded for justice to clear his name.
[FILE PHOTO] Former Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, who went into hiding after being accused of being a ‘major drug protector,’ burst into tears as he pleaded for justice to clear his name.House of Representatives
Published on

Binigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng executive clemency ang dating alkalde ng Iloilo City na si Jed Mabilog na kinumpirma ni Exec. Secretary Lucas Bersamin.

Ang hakbang na ito ay parte ng inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon upang mabigyang pagkakataong makapagsimula ang mga indibidwal na nakaranas ng kaso.

Ang desisyong ito ng pangulo ay dumaan sa masusing pag-aaral at ang pagpapatupad ay isang mandato sa ilalim ng batas.

Matatandaang si Mabilog ay may kinakaharap na kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices act at RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials. Umalis ito ng bansa noong August 2017 matapos akusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasama siya sa listahan ng mga public officials na sangkot sa illegal drug trade at drug protector.

Dumalo si Mabilog sa Quad Comm hearing noong nakaraang taon ng 2024 at pinasinungalingan niya lahat ng mga paratang sa kanya ng nakaraang administrasyon.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph