

Inamin ni Heart Evangelista na mayroon siyang ipinaretoke sa kanyang mukha.
Sa isang video, buong ningning na inamin ng fashion icon na nagparetoke siya ng lips.
“Lips lang yung nag-iba, lips lang ‘yung ipinagawa ko,” say ng actress.
“This is true. I’m just saying the truth now if you don’t wanna accept, well, wait for judgment day. Because this is all real, except that ayaw nilang maniwala sa akin,” paliwanag ni Heart.
“Alam mo one of these days punta talaga ako sa doktor, papa X-ray, I don’t know how they can prove. Hindi talaga. Mamatay man, seryoso. Eto lang talaga,” pagdidiin niya.
May mga nag-react sa revelation ni Heart.
“Bestie! Kung anuman ang totoo, nasa kanya na yun, at respeto na lang sa choices niya. At totoo rin naman, kita ng marami kung nagkaroon man ng enhancements. Basta ang mahalaga, confident siya sa sarili niya, at kung yun ang nagpapasaya sa kanya, suporta na lang tayo!”
“E di yung kanyang labi, gusto nyang maging Angelina Jolie.”
***
DonBelle magpapakilig muli
Muling pakikiligin nina Belle Mariano at Donny Pangilinan ang DonBelle fans sa kanilang pagbabalik-primetime TV sa seryeng “How to Spot a Red Flag” na mapapanood simula Enero 27 (Lunes) sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5 ng 9:30 ng gabi.
Sa mediacon ay ibinahagi ng DonBelle ang kanilang opinyon tungkol sa mga taong may “red flag” o mga katangian na nakaka-turn off. Ayon sa dalawa, gusto rin nilang may mapulot na aral at maka-relate ang mga fan sa kani-kanilang love life kapag pinanood ang kanilang serye.
“This time around, makakapagturo na naman kami ng bagong learnings sa audience namin. May mga tao na kapag mas minamahal mo sila, mas nakikita mo rin ang red flags nila. If you have that love for yourself as well, you’ll be able to spot the red flags that you don’t want,” sabi ni Belle.
“Everyone has a red flag. It’s all about communication. As long as it’s not to a point that you’re hurting each other because that’s when it gets unhealthy. Belle and I talk about the types of red flags that we have so that we can go through them,” dagdag naman ni Donny.
Umiikot ang istorya ng “How to Spot a Red Flag” kay Cha (Belle), isang cute at palaban na babaeng naging biktima ng catfishing. Sa kabila ng panloloko sa kanya ng good boy na si Matt (Donny) at bad boy na si JR (Jameson Blake), posible pa kaya siyang ma-in love nang maipit silang tatlo sa isang love triangle?