
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Malaking mensahe ang pinakawalan ng bagong pangulo ng Amerika nang ipag-utos niya ang pagkalas ng Estados Unidos sa World Health Organization sa unang araw pa lamang ng kanyang termino.
Ang katwiran ni Pangulong Donald Trump ay mataas ang kontribusyon ng Estados Unidos sa WHO kumpara sa Tsina, ang pangalawang bansa sa mundo na may pinakamalaking ekonomiya. Kumbaga ay hindi patas ang panuntunan sa pagiging miyembro ng organisasyon at dehado ang Estados Unidos sa gastos.
Sa unang tingin ay pera-pera lang ang batayan ng pakikisama ng Estados Unidos sa mga pandaigdigang organisasyon. Nais ni Trump na makatwiran ang kobtribusyong salapi ng bansa.
Kung gayon, ipinahihiwatig niya, lalo na sa alyansang militar ng North Atlantic Treaty Organization kung saan miyembro at lider ang Amerika, na kaya niyang iwanan ang grupo anumang oras dahil sa hindi patas na ambagan ng mga kasapi ng NATO.
Noon pa nirereklamo ni Trump na maliit ang halaga ng kontribusyon ng ibang miyembro ng NATO para sa depensa ng kontinente laban sa Rusya. Dapat raw ay mas mataas ang inilalaan na pondo ng bawat miyembro ng NATO para sa depensa ng Europa.
Ang halaga ng kontribusyon ng mga miyembro ng NATO ay dapat mahigit dalawang porsyento ng gross national product ng kanilang bansa. Kung hindi ito susundin ng mga miyembro ng NATO, titiwalag ang Estados Unidos sa grupo.
Mukhang hindi naman bibiguin ng mga taga-NATO ang Amerika at magtataas ang mga ito ng budget para sa depensa ng rehiyon laban sa komunismo. Ibig sabihin nito ay iiral ang sinasabing karerahan sa pag-aarmas. Gagawa ng maraming bomba at missile ang mga miyembro ng NATO.
Dadagdagan nila ang bilang mga barko at eruplanong pandigma na kanilang bubuuin o bibilhin.
Kung tutuusin, pinapalawak na ng mga miyembro ng NATO ang produksyon nila ng mga armas sa kasalukyan dahil matagal na rin ang panawagan ni Trump na itaas nila ang halaga ng kanilang pag-aarmas. Dahil dito, umiiral na ang karera sa pag-aarmas.