Mount Kanlaon nagkaroon ng 8 ash emission events


Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
UMABOT ng walong ash emission ang naitala sa bulkang Kanlaon sa loob ng 24-oras sa isinagawang observation period nito, tumagal ng 6 at 46 minuto ang pagbuga ng abo nito ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.
Nauna nang ibinahagi ng state volcanologists ang time-lapse footage ng ash emissions mula sa bulkan na naganap noong Linggo alas-12:22 ng tanghali. hanggang 12:36 p.m.; 3:47 p.m. hanggang 4:25 p.m.; at 11:51 p.m. hanggang 12:15 a.m. ngayong Lunes.
Ito ay nagbuga ng abo na tumaas mula 200 hanggang 400 na metro sa itaas ng bunganga bago lumipad sa bandang kanluran.
Kasabay nito naobserbahan din ang light ashfall sa La Carlota City at sa munisipalidad ng La Castellana sa Negros Occidental. Nagkaroon din ng 30 volcanic earthquakes ang bulkan, kabilang ang pitong volcanic tremors.
Inirekomenda ng PHIVOLCS na lumikas ang mga residente mula sa anim na kilometrong radius sa paligid ng bulkan.