May bagong kautusang inilabas ang Korte Suprema para sa pansamantalang pigilan ang pagdidiskwalipika sa ilang lokal na mga kandidato
Sa isinapublikong temporary restraining order o TRO, hinaharang ng korte ang pagkansela ng Commission on Elections sa kandidatura ni senatorial candidate na si Francis Leo Marcos.
Bukod kay Marcos, Nabigyan din ng TRO ang tumatakbong gobernador sa lalawigan ng Albay na si Noel Rosal. Napagdesisyunan din ng COMELEC na isama pa rin sa balota na iimprenta ang pangalan ng mga nasabing kandidato.
Inaasahan na marami pa ang isyu na iaakyat sa korte na galing sa iba’t-ibang probinsya at mga siyudad. Nauna na rito, nabigyan na rin ng TRO ang ibang pang mga tatakbo sa iba’t-ibang posisyon.
Nasa 18,271 ang posisyon na paglalabanan sa darating na eleksyon sa Mayo.