SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Ivana Alawi kumawala!

alwin ignacio
Published on

Ang millennial bathaluman, si Ivana Alawi, opisyal nang inanunsyo na wala nang koneksiyon sa luxury jewelry brand na LVNA by Drake Dustin.

An opisyal niyang pahayag ay nagmsiula sa kanyang abogado na si Atty. Josabeth Alonso, kung saan binigyang linaw ang usapin patungkol sa kanyang estado bilang dating celebrity endorser at investor ng nasabing brand sa Cebu branch nito.

Ang buong pahayag mula sa legal counsel ni Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi (tunay na pangalan ni Ivana):

“This is to inform the public that Ms. Ivana Alawi is no longer connected with the brand LVNA By Drake Dustin. It will be recalled that Ms. Alawi first became an endorser and eventually an investor of LVNA By Drake Dustin – Cebu branch. As legal concerns arose in the contract between Ms. Alawi and Drake Dustin, there had been a verbal arrangement to rescind their agreement.

“The matter on formal rescission of the agreement has already been filed and is now before the Regional Trial Court.

“As such, the use of Ms. Alawi’s name or image for purposes of LVNA’s brand endorsement or business dealings is considered unauthorized and must not be recognized in any capacity.”

NILINAW ni Ivana Alawi ang kanyang relasyon sa brand ng alahas.
NILINAW ni Ivana Alawi ang kanyang relasyon sa brand ng alahas. LARAWAN MULA SA FACEBOOK

Ibinahagi rin ni Ivana ang nasabing pahayag sa kanyang Instagram Story, na tila isang malinaw na hakbang upang linawin ang kanyang posisyon sa nasabing isyu.

Samantala wala pang pahayag ang nasabing jewelry brand as of writing hinggil sa issue.

Hindi na bago ang legal na issue sa nagmamay-ari sa nasabing brand na may

taga-showbiz na kasangkot. Nagka-legal altercation na ito sa actor na si Tony Labrusca kung saan hindi naging matagumpay ang isinampa niyang kaso.

***

Pasintabi sa mga KathDen fan, pero wag na kayong umaasa na sa malapit na hinaharap eh may pangatlong bahagi ang ang pangmalakasang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang katotohanang ito ay mula mismo kay direk Cathy Molina-Sampana na siya mismo ang nagbahagi sa isang pulong balitaan kamakailan. Si direk Cathy ang siyang namahala sa “Hello Love Goodbye” at ang karugtong niyang pelikula, ang “Hello Love Again” na limang taon ang hinintay bago nangyari at ganap na ganap na ang paghihiwalay ng de kolor at puti ni Bernardo kay Daniel Padilla.

Talak ni direk Cathy sa nasabing pulong balitaan: “Kung sinuman ang nagkakalat niyan, huwag siyang ‘mema’!”

Ang salitang “mema” ay pinaikling “may masabi lang.”

Buo ang paniniwala ni direk Cathy na ang pangunahing dahilan kung bakit kumita nang sobrang laki ang “HLA” ay dahil sa tagal bago nasundan ang Part 1.

Aniya: “Patandain muna natin sina Joy at Ethan! Pati na rin sina Kathryn at Alden.”

Sina Joy at Ethan ang mga katauhang binigyang buhay nina Bernardo at Faulkerson Jr.

Dagdag ni direk Cathy: “Patandain pero huwag naman mga lola’t lolo. Mga tita at tito lang! Ha!!”

Mukhang matatagalan nga ang pagsasamang muli nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. May inilabas na chikang pagbibidahan ni Kathryn ang pelikulang “Elena 1944” kung saan comfort woman ang kanyang bibigyang buhay.

Si Alden naman, may isa pa siyang pelikulang ang kanyang makakatambal ay si Julia Baretto, ang “Special Memory.” Inaasam rin na makatrabaho niya si Nadine Lustre.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph