
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Lahat na ng paraan ay ginagawa ng gobyerno upang mapababa ang presyo ng bigas. Subalit ang presyo ng bigas sa mga pamilihan ay mahigit P40 kada kilo at pataas pa rin.
Nag-angkat na ng dagdag na bigas upang mapababa ang presyo ngunit tila hindi ito umubra. Nagsagawa na rin ng imbestigasyon ang Kongreso sa mga opisyal ng pamahalaan at mga negosyante ng bigas ngunit pareho pa ring mataas ang presyong nakalagay sa karatula ng presyo ng bigas sa mga palengke.
Ang bagong diskarte ng Department of Agriculture ay magtinda sa mga Kadiwa sa Metro Manila ng P38 hanggang P39 kada kilo ng bigas.
Mayroon ding ipatitinda ang DA na P35 hanggang P36 kada kilo na bigas na tiyak na dudumugin ng mga mamimili. Mayroon nga lang “catch” ang nasabing bigas. Ito ay broken rice o hating na bigas.
Mura talaga ang ganoong uri ng bigas na hindi dekalidad. Subalit tila hindi maganda ang istratehiya na magbenta ng murang bigas na hindi buo. Deserve ba ng mga mamamayan ng ganitong klaseng bigas na mura nga ngunit durog at bagay lamang na panlugaw.
Bakit hindi kayang magtinda ng gobyerno ng maayos o buong bigas.
Mukhang hindi na maiibsan ang mataas na presyo ng bigas. Hindi sapat na solusyon na ipakain na lamang sa madla ang “broken rice” dahil ito lamang ang maaaring babaan ang presyo.
Bagaman madanda ang intensyon ng mga namamahala, na bigyan ng abot-kayang bigas ang mga mamamayan, magkakaroon naman ng diskriminasyon sa pamamahagi ng mababang kalidad ng bigas dahil ang mga kulang sa budget ay durog na kanin lamang ang mabibili at makakain samantalang ang mga may-kayang mamamayan ay buong kanin ang maihahain sa agahan, tanghalian at hapunan.
Sana ay magkaroon pa ng mas maiging solusyon sa mataas na presyo ng bigas na hindi naman nakakabawas dignidad sa mga mamimili.
Habang wala pa ang mas maiging solusyon na iyan, magtiyaga na lang muna sa hating bigas na isasaing.