SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Jak Roberto sinisisi, tinuturimg na may kasalanan

Alwin Ignacio
Published on

Parunggit mula sa isang netizen, habang si Barbie Forteza ay kinarir ang pagsusulat at pag-aanunsyo sa paghihiwalay ng dekolor at puti nila ni Jak Roberto, ang lalaking makisig, may mga larawang ibinahagi sa isang social media site na makikitang nag-e-enjoy sa isang end of 2024 street party ang lalaking starlet.

Ang mas masaklap pang kaganapan, si Roberto ang sinasabing dapat sisihin, siyang tunay na salarin at may kasalanan kung bakit wasak na ang pitong taong relasyon nila ni Forteza.

Ang mga katkaterang totoo, ibinabahagi ang mga dahilan kung bakit ang lalaking panalo ang abs eh dapat lamang wag na pumiyok at manahimik.

Diumano, salawahan si ginoong Roberto. Ayon sa mga sitsit, may dalawang starlet na “girl-lets niya. At gaano nga kaya katotoo ang add-on apoy sa chika na ang mga babaing ito ay friends with sexual benefits ni Jak.

Diumano, may “patron” ang aktor. Di na natin kailangang saulohin pa kung ano ang ibig sabihin nito. Gaano nga kaya katotoo na kahit na hindi bongga ang karera ni Jak, ang patrong inginunguso ang tagatawid niya sa buhay at iba pang mga pangangailangan, lalo na sa aspektong pinansyal? At may tama ba ang mga katkatera na kapwa niya lalaki ang “patron?”

Pangatlo, for all his squeaky clean and buff image, totoo nga kaya ang pahabol na chika ng mga daldakina na ito ay mahilig magpa-lasing-lasing?

Tanging si Jak Roberto lamang ang makakasagot sa mga tanong sa ating pitak. Siguradong mas pipiliin niya ang manahimik at wag bigyang dignidad ang lahat ng mga ipinupukol sa kanya.

Time is the ultimate truth teller, hindi ba naman?

Lahat ng relasyong romantiko, kaya nawawasak, parehong may kasalanan at pagkukulang ang magsing-irog. Sa takda at tamang panahon, malalaman ang dapat malaman.

**Kakaloka ang chikang si Jake Zyrus, kalunus-lunos ang kaganapan sa transman at international nu’ng siya ay pangmalakasan malasing sa isang bar sa Los Angeles, Estados Unidos.

Ayon sa chika mula sa isang concerned kababayan natin, muntik nang ikamatay ni Jake ang labis na paglaklak dahil nga bigla siyang bumagsak sa kanyang kinauupuan sa bar. Mabilis namang tumulong kay Jake ang mga nakasaksi, nakatawag sa 911, naisakay sa ambulansya.

Dahil hindi na nga daw gumagalaw ang transman, inakalang patay na siya, nailagay na sa body bag. Isang tunay na himala na pagdating sa hospital, nagka-ulirat siya!

Hindi makapaniwala ang concerned kababayan natin sa kasalukuyang sitwasyon niya. Diumano, alcoholic na si Jake sa US at walang trabaho. Wala ring kumukuha para sa mga singing engagement. At dahil nga walang ganap, nakikitira na lamang daw si Jake sa mag-asawang gay couple. Fan daw kasi ni Jake ‘yung isa sa couple. Pero, sa couch lang daw natutulog ang dating sikat na singer.

Ang huling positibong chika kay Zyrus ay may bagong girlfriend na siya. Inamin niya sa publiko ang relasyon niya sa Filipina-American singer-songwriter na si Cheesa Laureta na naka-based din sa Los Angeles, USA.

Ang nakakawindang na obserbasyon ng mga netizen sa kasintahan ni Jake, kawangis na kawangis raw siya ni Charice Pempengco.

Ay! Ang savage! Hahahaha.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph