
Pinag-usapan nang husto ang singer na si Denise Julia nang pangalanan siya ng sikat na celebrity photographer na si BJ Pascual sa isang interview.
Natanong kasi si BJ kung ano ang worst encounter niya with an artist sa Youtube channel ni Killa Kush.
Sinabi ni BJ na sa kabila ng kanyang naririnig na hindi magandang attitude ni Denise ay pumayag pa rin siyang i-pictorial ang dalaga nang kontakin siya ng team ni Denise.
“I got my friends on board, even my friends who did not want to work with her because of the stories,” say ni BJ.
“Sabi ko sige na, ‘Pagandahin natin siya.’ Nakita ko naman kasi may potential, may igaganda pa,” dagdag pa niya.
Matapos ang ilang meeting ay naka-set na ang pictorial. Noong gabi bago ang araw na naka-schedule ang photo shoot ay tumawag ang manager ni Denise at pinapakansel ang pictorial dahil hindi available ang hairstylist ng singer.
“Girl, this was already 10 p.m. Call time namin is 6 a.m., siya [Denise] 8 a.m. How many hours na lang before the shoot? We have been setting the set since 4 p.m.,” chika ni BJ.
“Biglang nag-backtrack si [Denise’s] manager. Why did I go with everything, wala pa naman daw confirmation.”
“Walang confirmation? Excuse me! This is the day before the shoot. Kayo ang nagpumilit mag-shoot on this day,” dagdag ni BJ na sobrang irita na.
“Ayaw nila ituloy, ayaw magbayad, so sabi ko sa manager ko, ‘Sige, i-cancel mo na lang, ako na magbabayad. I paid for everything,” kuwento ni BJ.
Ang higit na nakakaloka, hindi man lang nag-sorry ang kampo ni Denise.
“I never heard from her, no thank you, no sorry, no anything,” say ni BJ.
Para makaiwas sa intriga dahil nag-viral ang interview ni BJ, biglang nag-announced si Denise sa kanyang Instagram Stories na she will take a social media break.
“Detoxing from the digital world. Apps deleted, focus restored. Will be back next year,” say niya.