
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Sa paglulunsad ng National Security Strategy (NSS) ng Malacanang nitong Linggo, binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugon ito sa panggigipit ng Tsina sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Tinutukoy niya ang pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at panunutok ng laser sa mga barkong pandigma ng Philippine Navy (PN) na nagpapatrulya sa nasabing karagatan.
Layunin ng NSS na pangalagaan ang soberenya ng Pilipinas, itaguyod ang kapakanan ng mga mamamayan at palakasin ang kapayapaan. Bagaman hindi malinaw kung paano ito magagawa, isang ulat sa Agence France-Presse ay kukuha ng Typhon missile launchers ang Sandatahang Lakas sa Estados Unidos bilang proteksyon ng mga barko ng PCG at PN na nagpapatrulya sa WPS.
Ang nasabing missile launcher ay kayang tumama sa target na may layong 300 kilometro at sapat itong protektahan ang mga pambansang barko na nasa WPS.
Babala man ito sa Tsina na tumigil na sa pang-aabuso sa mga barko ng PCG at PN sa WPS, ang tanong ay sapat ba ito kung dalawa lamang ang ibibigay na Typhon sa ating militar sa mga susunod na taon?
Magiging epektibo ba ang mga ito na paatrasin ang mga barko ng Tsina o bigyan sila ng pag-aalinlangan na bombahin ng tubig o banggain ang ating mga barko.
Sinabi ng Tsina na probokasyon at delikado ang pagkuha ng Pilipinas ng mga missile launcher. Ito rin ay hihikayat ng karera sa pag-aarmas sa rehiyon.
Dinagdag pa ng foreign ministry ng Tsina na kapayapaan at kasaganaan, hindi missile at komprontasyon, ang kailangan sa rehiyon.
Mukhang hindi magiging sapat ang Typhon missile launchers sa pagdepensa ng mga barko ng Pilipinas kumpara sa dami ng barko at armas ng Tsina.
Kung gayon, hindi na rin kailangang umangal ng Tsina sa mga armas na aangkatin ng ating bansa.