SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Manong Chavit palalakasin ang kampanya sa Ozamiz

Senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson
Senatorial candidate Luis “Manong Chavit” SingsonPhotograph Courtesy of Luis ‘Chavit’ Singson/fb
Published on

Patungo sa Ozamiz City si senatorial candidate Luis "Manong Chavit" Singson ngayong Miyerkules bilang bahagi ng kanyang nationwide initiative na makipagpulong sa mga lider ng komunidad upang isulong ang kanyang mga plano kapag nasa Senado na.

Ang pagbisita ni Manong Chavit sa Ozamiz City—na mayroong 140,000 residents at isang regional hub para sa agriculture, commerce, edukasyon at kalakalanay naglalayong mapakinggan ang mga hinaing mga residente roon.

Gayunpaman, marami pa ring hinaharap na isyu ang siyudad gaya ng infrastructure gaps, economic diversification, mga usaping pang-seguridad, environmental issues at disaster preparedness.

Isa sa nakikitang solusyon dito ni Manong Chavit—na Number 58 sa Senate ballot—ay ang Jeepney modernization initiative na naglalayong ma-overhaul at maging moderno na ang local public transportation system sa pamamagitan ng mga eco-friendly vehicles.

Makatutulong ito sa siyudad sa pagpapababa ng congestion at polusyon at makakasiguro ang mga residente na mayroon ng reliable emergency transport system sa panahon ng sakuna na siya ring mithiin ng local government ng Ozamiz na magkaroon ng sustainable infrastructure at proteksyon para sa kalikasan.

Isinusulong rin ni Manong Chavit ang VBank initiative—isang digital financial platform na naglalayong mabigyan ng access ang mga maliliit na negosyante, mga magsasaka at mga entrepreneurs sa bansa.

Cashless transactions ang inihahandog ng VBank kaya naman makasisiguro na ligtas ito at makatutulong upang magkaroon ng economic resilience ang siyudad.

Kapag nasa Senado na, itutulak rin ni Manong Chavit ang Chavit 500 Universal Basic Income Program na tutulong sa mga low-income families at makapagbibigay ng financial stability.

Layon rin nitong solusyunan ang kahirapan, ang edukasyon, at ang child labor habang pinagtitibay nito ang mga pamilya sa pagharap sa mga sakuna.

Sa mga planong ito, target ni Manong Chavit na mabigyan ng environmental sustainability ang Ozamiz City at maproteksyunan ang mga coastal environments at marine resources dahil isa itong strategic port city.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph