
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Dalawa ang istilo ng pinuno ng mga departamento ng pamahalaan kung paano gagastusin ang taunang pondo. Maaari niyang ubusin ang pondo upang lubos na maipatupad ang lahat ng proyektong dapat gawin para sa taumbayan. Sa kabilang banda naman, maaari niya masusing gastahin o tipirin ang pondo upang makapagtabi pa ng pera para sa ibang proyekto o panahon.
Matatandaan sa unang state of the nation address ng dating pangulong Rodrigo Duterte, sinabi niyang dapat maubos ang pondo bilang patunay na lubusang naipatupad ang serbisyo publiko. Makatwiran ang posisyon niya dahil ang budget ng gobyerno at mga ahensya nito ay masusing dumaan sa pagbubusisi ng Kongreso at mga mambabatas upang masiguro na kailangan ito ng publiko.
Sa pakiwari ni Duterte, ang hindi pag-ubos sa pondo ay nagpapahiwatig ng kahinaan ng ahensya sa pagpapatupad ng mga proyektong aprobado na at napondohan na. Hindi rin maiaalis ang hinala kung saan napunta ang pondong hindi nagastos kung ito’y hindi maibalik sa tresurero na bayan, alinsunod sa batas.
Sa nadiskubre ng mga mambabatas ng mahinang paggamit ng Department of Education sa budget nito para sa taong 2023, ang naantalang pamimili nito ng kailangan at mga omisyon ng ahensya, nagpasya ang mga mambabatas na bawasan ng P12 bilyon ang pondo ng DepEd para sa susunod na taon. Bagaman napakalaki pa rin ng budget ng DepEd na inaprobahan ng Kongreso, malaki ang nasabing halaga na matatapyas sa pondo ng ahensya.
May katwiran naman ang pagtatapyas sa budget lalo na sa kabila ng katotohanang nakatambak lamang ang libu-libong laptop na binili ng ahensya para sana sa mga guro at hindi gurong kawani nito. Hindi napakinabangan at mga makina na nakatengga pa rin sa warehouse ng DepEd. Anuman ang dahilan kung bakit hindi ito napakinabangan kung ito’y binibili ay parang kapabayaan na para sa mga namumuno ng DepEd.
Naiulat na pupunuin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nawalang pondo. Sa pagdaragdag ng katumbas na halagang binawas sa ahensya, lalabas na buo pa rin ang budget ng DepEd at kumpleto ang mga proyektong ipapatupad nito.
Siguro naman ay hindi na dapat maulit ang kabagalan ng DepEd sa pagtatrabaho nito at pagtatapyas sa budget ng ahensya dahil napakahalaga ng mga programang pang-edukasyon na sadyang kailangang-kailangan ng mga mag-aaral at mga paaralan.