
Matagal-tagal ding nawala si Ayanna Misola sa showbiz kaya naman marami ang naka-miss sa kanya.
Pero balik-VMX na ang dalaga at kasama siya sa “Boy Kaldag” na launching movie ni Benz Sangalang.
Actually, one year ding nawala ang VMX star na si Ayanna.
Say ni Ayanna, hindi niya natanggihan ang “Boy Kaldag” dahil gusto niyang suportahan si Benz sa pagbibida niya sa unang pagkakataon. Isa pa, nami-miss niya ang pag-arte.
“Na-convince po ako bumalik kasi siyempre kailangan natin i-support si Benz na kapatid natin sa agency.
“Ako, open naman po ako na bumalik sa pelikula at saka miss ko na rin talaga na gumawa ng pelikula. Nakaka-miss,” say ni Ayanna sa kanyang recent interview.
Itsinika ni Ayanna ang totoong dahilan ng pagkawala niya sa showbiz. Kinailangan niya kasing tapusin ang kanyang high school studies.
“Saka nawala rin po ako dahil itinuloy ko ang pag-aaral, senior high school. Yun lang ang reason pero ngayon nag-stop ako,” paliwanag ng dalaga.
Hindi pa sure si Ayanna kung magtutuloy-tuloy na siya sa kanyang pagbabalik bilang VMX star.
“Tingnan natin, hindi ko pa sure pero nami-miss ko talaga ang movies,” say ng dalaga.
Matatandaang nagbitaw ng salita si Ayanna na gusto na niyang iwan ang pagpapaseksi sa pelikula.