
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
May biglaang pamasko ang gobyerno sa mga mahihirap: alumahan.
Nakasabat ang Bureau of Customs ng hinihinalang puslit na alumahan o frozen mackerel na nakalagay sa 21 container sa pantalan ng Maynila nitong Oktubre. Walang kaukulang dokumento ang kargamento kaya ito’y kinumpiska ng mga kinauukulan.
Dali-daling ipinamahagi sa mga mahihirap ang mga isda na nagkakahalaga ng tumataginting na P178.5 milyon bago pa ito masira.
Kung kaninong angkat ang mga alumahan ay hindi isiniwalat ng BoC. Ngunit sa sobrang laki ng halaga ng nasabat na kontrabando, napakalaking lugi ang dinanas ng kung sino man ang umangkat nito.
Dinepensahan ng pamahalaan ang pagkumpiska dahil nilabag umano ng mga isdang mula sa Tsina ang bagong batas laban sa pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura.
Ang Republic Act 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act ay bago lamang at naglalayong labanan ang talamak na pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura na pumapatay sa mga lokal na magsasaka. Ang mga angkat na alumahan ang unang nasampolan sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Masaya naman siguro ang mga mamamayang nakakuha ng alumahan dahil mahal ang isdang ito. Malamang rin na nananalangin silang may masabat ring puslit na spaghetti noodles at sauce, keso at fruit salad upang makumpleto na ang kanilang pang noche Buena. O di kaya naman ay may masabat ring mga angkat na hamon, mansanas, ubas, melon at iba pang prutas para naman sa media noche nila.
Siguradong aabangan ng madla ang susunod na makukumpiskang puslit na pagkain kung ito ay ipamamahagi sa kanila. At dahil araw-araw naman ginagawa ng mga kawatan ang pagpupuslit ng mga produktong agricultural, pabor ito sa mga maaambunan ng nasabat ng mga pagkain. Sa sobrang taas ng presyo ng pagkain sa palengke, makakatulong ang mabigyan ng libreng pananghalian o panghapunan.
Mas maigi kung masamahan ito ng puslit nak ape, tinapay o panghimagas para busog na busog ang mga kumakalam ang sikmura.