
CANDON CITY, Ilocos Sur — Pinatunayan ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson na wala pa sa bokabularyo niya ang retirement nang simulan niya ang isang dynamic na swingaround sa bansa upang ituloy ang pagnanais na makatulong sa mg nangangailangan.
Noting nagdaang linggo, mula sa pakikipag-pulong sa mga local government units at mga key stakeholders sa public transport sector hanggang sa mga dating kasamahan sa larangan ng public service, ipinakita ni Manong Chavit ang kanyang walang-sawang dedikasyon upang mapaunlad pa ang buhay ng Pilipino.
Noong 3 December ay dumalo si Manong Chavit sa Philippine Councilors League (PCL) National Assembly kung saan nakasalamuha niyang muli ang kanyang mga dating kasamahan at bilang dating PCL president sa Ilocos Sur, ito ay isang homecoming para sa kanya.
Ibinahagi rin niya ang kanyang mga plataporma, na karamihan ay sinimulan nang ipatupad sa kanyang bayan sa Narvacan, Ilocos Sur.
Dumalo rin siya sa V1BE Manila sa Mall of Asia Arena noong 4 December ng concert headlined ng international star na si AKON at nag-feature rin sa Ilocano rapper na si EZ Mil. Nagulat pa si Manong Chavit ng mag-shoutout si EZ Mil sa kanya at pormal din na inilapit sa publiko ang kanyang kandidatura para sa Senado.
Sunod na pinuntahan ni Manong Chavit ang Roxas City kung saan nakipagpulong siya sa mga local stakeholders kabilang si dating Senador Mar Roxas upang talakayin ang kanyang mga programa at adhikain na makakatulong hindi lamang sa Roxas City kundi maging sa buong Visayas.
Noong 6 December naman ay tumulak si Manong Chavit sa Cebu City kung saan nakipag-usap siya sa mga local transport cooperatives kaugnay sa isinusulong niyang programa para sa public utility vehicles modernization.
"Matutulungan kami ni Manong Chavit sa pagtransition sa modernong jeepney at tricycles," saad ni Cebu People's Cooperative spokesperson Yoyong Quevedo.
At nitong Sabado, 7 December ay tumungo si Manong Chavit sa kanyang hometown province na Ilocos Sur kung saan sinalubong siya ng kanyang kapatid na si Ilocos Sur Governor Jerry Singson. Dumalo sila sa 202nd anniversary ng kanilang alma mater na Divine Word College.
Nagmistulang isang reunion ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Divine World College dahil dumalo rin dito ang mga kamag-anak ni Manong Chavit na sina Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan at Candon City Mayor Eric Singson.
Sa Fiera de Candon, siya ay kinilala bilang isang "unifying figure" sa Ilocos Sur at nagsulong ng slogan na "One Candon City, One Ilocos Sur, One Philippines."