SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Ivana Alawi nagpasaya ng delivery riders

ALEX BROSAS
Published on
Ivana Alawi
Ivana Alawi

Maagang pamasko ang hinandog ni Ivana Alawi sa mga delivery riders kamakailan.

Actually, idinaan niya sa prank ang pagtulong sa mga delivery riders. Tiningnan niya kung may mabubuti silang kalooban

Kasabwat ni Ivana ang isang lola na siyang magpapanggap na siya ang kukuha ng delivery. Magkukunwari ang lola na kulang ang pambayad niya at may ilang delivery riders ang nagpasyang abonohan na lang nila ang kulang. At dahil na-witness mismo ni Ivana ang kabayanihang ito, binigyan niya ng cellphone at cash ang delivery riders. Maraming naiyak sa ginawa ni Ivana.

With that ay puring-puri si Ivana ng netizens.

“Sana lahat ganyan,hirap din buhay ng nga riders.”

“Nanonood po ako sa vlog nyo po maam Ivana Alawi subrang bait nyo din po.sana marami pa po kayung matutulungan.”

“SANA ALL FILIPINA KATULAD NI IVANA, MAG PAYAMAN MUNA NG SARILI BAGO MAGBUO PAMILYA. Para mabawasan kahirapan sa bansa.”

***

May pinagdadaanan pala ang It’s Showtime host na si Vice Ganda.

“‘Yung pagpasan ng napakaraming problema nang mag-isa, imposibleng hindi ka magkaroon ng mental health issues. ‘Yung pakiramdam na nag-iisa ka kasi, ‘yun ang pinakamahirap,” say niya sa recent interview niya.

“Hindi naman mawawala ang pagsubok sa buhay araw-araw eh. Pero marami tayong pagsubok na nalalampasan natin nang madali, kasi marami tayong katuwang. Pero kapag nag-iisa ka, at alam mong walang-wala kang maaasahan, ang sakit nun sa ulo.

“Ang hirap nun matulog, ang hirap nun mag-isip, lalo na kung ‘yung nararamdaman mo ay hindi mo masabi at wala kang mapagsabihan, walang gustong makinig sa gusto mong sabihin. ‘Yun ang magko-cause sa’yo ng mental health issues,” dagdag niyang paliwanag.

“I’m still undergoing [psychological] therapy. Nagte-therapy ako,” pag-amin niya.

“At ‘yun ang isang bagay na hindi ko gustong ihinto. Gusto kong matulungan ang sarili ko kasi marami pa akong gustong gawin, katulad ng maraming breadwinners. Marami pa akong pangarap, marami pang nakapasan sa akin, marami pa akong gustong gawin.

“Gusto kong maging malusog, hindi lang ang katawan ko kun’di kaisipan ko kaya nagte-therapy ako. Ito’y isang bagay na hindi natin dapat pinagdadalawang-isipang gawin dahil going to a therapy or seeking help sa isang psychiatrist, psychologist, o sa isang professional para tulungan ka sa iyong mental health ay it should be just as normal as going to dentist, it should be as normal as going to the dermatologist kapag may problema ka sa skin,” paliwanag pa ng It’s Showtime host.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph