
Inamin ng lawyer ni Rufa Mae Quinto na si Atty. Mary Louise Reyes na nahaharap ang komedyante sa 14 na kasong paglabas sa Section 8 ng Securities Regulation Code.
“She will face those charges... mag-voluntary surrender siya and magpo-post po kami ng bail for that. She’s worried kasi hindi naman totoo ‘yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model-endorser,” say ni Atty. Reyes.
Aniya, may mga hindi nabayaran sa kanyang kliyente ang beauty clinic na involved sa kaso.
“Ni hindi sa kanya nakapagbayad ng downpayment, tapos ‘yung mga tseke po puro tumalbog. Lahat po ‘yan hawak naman po namin ‘yung ebidensya, ipe-present namin sa court,” dagdag pa ng lawyer.
***
Richard Gutierrez nagselos
daw kay John Estrada
Hindi kami naniniwala sa chikang nagselos daw si Richard Gutierrez kay John Estrada kaya ini-request daw niya sa production ng “Batang Quiapo” na tanggalin na lang si Barbie Imperial na nali-link sa kanya ngayon.
Unang-una, walang eksena sina John at Barbie sa “Batang Quiapo” na magkasama.
Pangalawa, walang record si Richard na nagpapatanggal ng artista.
Namatay na ang Tisay character ni Barbie sa “Batang Quiapo” matapos makipagsagupaan sa grupo ni Tanggol (Coco Martin).
May nang-iintriga lang siguro kay Richard dahil malapit na ang airing ng latest action series niyang “Incognito.”
Speaking of “Incognito,” aminado si Richard na may pressure sa kanya na gawin ang ito lalo pa at successful ang last niyang action series na “The Iron Heart.”
“There’s always pressure. If you want to succeed in this industry, you have to shine. Pressure is always part of it. They just say na you’re only good as your last project,” sabi niya.