
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Isang masamang balita ang paghatol ng pagkakakulong ng apat na taon sa 13 buntis na Pinay sa Cambodia. Tila walang awa ang gobyerno ng nasabing bansa para ikulong ang mga babae sa kabila ng kanilang maselang kalagayan. Sila ay kinulong dahil umano sa “human trafficking” dahil nagsilbi silang surrogate mothers o nagpabuntis kapalit ng malaking halaga ng pera mula sa banyagang mag-asawang nais magkaanak. Sila ay kinontrata na magluwal ng sanggol para sa mga namimili ng anak ngunit ang gawaing ito ay bawal sa Cambodia at itinuturing na pagpupuslit ng tao.
Ano kaya ang ginawa ng ating gobyerno upang matulungan ang mga kababayan natin roon? Kung todo ang tulong nila upang mailipat ang nakabilanggong si Mary Jane Veloso mula sa Indonesia pabalik sa bansa, siguro naman ay maaari nilang tulungan ring makabalik sa bansa ang mga buntis na Pinay.
Setyembre pa nakadetine ang mga hinatulang Pilipina. Lunes nang ibaba ang hatol na apat na taong pagkakakulong. Batay sa hatol, dalawang taon ang ibabawas sa apat na taon. Gayunpaman, matagal ang kulang na dalawang taon na mabilanggo sila.
Paano na ang kanilang kalusugan at kaligtasan ng kanilang dinadala sa sapupunan habang nasa piitan sila? Paano ang panganganak nila at ang sanggol na iluluwal nila.
Bagaman kinasuhan at ikinulong rin ang isang babaeng taga-Cambodia na umano’y sangkot sa pagpapabuntis sa mga Pilipina upang kumita ng pera, dalawang buwan at isang araw lamang ang pagkakakulong nila, na hindi naman patas.
Mayroon ring pitong iba pang mga babaeng Pilipina na hindi buntis at sangkot rin umano sa bawal na surrogacy ngunit sila ay na-deport lamang. Sana ay ganun rin ang ginawa sa mga buntis nating kababayan sa halip na pahirapan pa sa piitan.
Kailangan ng agarang tulong ang mga 13 na buntis upang sila ay mapalaya at maibalik sa Pilipinas. Habang hindi pa ito naiaayos, dapat silang tulungan ng embahada ng Pilipinas upang masiguro ang kalusugan ng kanilang katawan, kaisipan at sanggol na dinadala.
At sakaling matagumpay na maibalik sila agad sa Pilipinas, dapat ring matulungan pa sila sa kanilang maselang kalagayan hanggang sa panganganak, lalo na kung sila ay mula sa mahihirap na pamilya.