SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Rose Nono Lin, wala umanong kaugnayan sa Pharmally

Neil Alcober
Published on
Photo courtesy of RP1

Hindi pala sister company ng kontrobersyal na kumpanyang Pharmally Pharmaceutical Corp. ang Pharmally Biological and Pharmaceutical Company. Iniimbestigahan ngayon ng mga mambabatas ang Pharmally Pharmaceutical Corp. sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House Quad Committee.

Sa kanyang pagharap sa Quad Committee, nilinaw ni Rose Nono Lin, ang may-ari ng na-defunct na Pharmally Biological, na hindi sya opisyal o shareholder ng nasabing pharmaceutical company.

Dagdag pa nya na magkaiba ang Pharmally Biological sa Pharmally Pharmaceutical, kung kaya’t walang kaugnayan ang mga ito sa isa’f isa.

Nilinaw na rin ito noon Nono Lin sa Senate Blue Ribbon Committee sa 2021 nung imbestigation ang P8 billlion contract na nakuha Pharmally Pharmaceutical para sa medical supplies bilang tugon ng administrasyong Duterte sa Covid-19 kahit na ang kumpanya ay mayroong P625,000 bilang paid-up capital.

Paglilinaw ni Nono Lin na hindi sya kasama sa operasyon ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at magkaibang entity ang Pharmally Biological at wala rin umano itong shares o stocks sa Pharmally Pharmaceutical.

Isa lamang umano syang ordinaryong mamamayan at negosyante na naghahanap-buhay nang marangal at sa ligal na paraan. Lahat anya ng mga akusasyon laban sa kanya at sa pamilya nya ay walang katotohanan.

Ayon sa mga dokumento, ang asawa ni Nono Lin na si Lin Wei Xiong, isang Hong Kong national, ay ang financial manager ng Pharmally Pharmaceutical at close associate ni dating presidential adviser Michael Yang na nagbibigay ng financing sa nasabing kumpanya.

Ipinunto naman ng mga abogado ni Nono Lin na bagama’t ang nasabing mga dokumento ay hindi nagpapatunay na ang Pharmally Biological at ang Pharmally Pharmaceutical ay walang kaugnayan sa isa’t isa, maging si Nono Lin ay hindi rin opisyal o shareholder nung una o may kontrata sa gobyerno.

At kahit pang sabihin na ang asawa ni Nono Lin at si Yang ay magkasama sa ilang mga aktibidades, hindi pa rin anya sapat na basehan iyan para iugnay sila sa kontrobersyal na kumpanya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph