
Hindi mamatay-matay ang isyu ng pagkakaroon ng anak ni Maine Mendoza kay Alden Richards.
Until now ay iyon pa rin ang ipinaglalaban ng MaiDen fans, bagay na pinalagan ni Congressman Arjo Atayde na husban ni Maibe.
Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz recently, nagbigay ng pahayag si Arjo tungkol sa walang kamatayang isyu.
“Hindi sila napapagod e. Ang tagal na Mama Ogs, e,” say ni Arjo.
“I appreciate the love that they showed for Maine. That’s all coming from love. The way they admired Maine and the love team. But we all have limitations as actors naman and we all see this course through the screen,” say ni Arjo.
Alam ng aktor na maaari siyang ma-bash ng Aldub fans but he doesn’t care.
“I knew I was gonna get bashed. I really don’t care what people have to say. If it’s not true, why bother? I can die tomorrow, why would they think about what you’re saying,” say niya.
Nauunawaan niya kung saan nanggagaling ang Aldub fans pero hiling niya ay respetuhin naman ang relasyon nila ni Maibe.
“So I hope that maintindihan nila ako, at kami, especially Maine, of course my wife, to stop all these unnecessary comments. Wala naman talagang katotohanan,” say ng aktor.
Arjo clarified na walang anak si Maine at pareho silang single nang magpakasal.
“Wala siyang anak, wala rin akong anak. We’re both married single. So I hope people respect that. Tigil-tigilan na po ‘yung pagba-bash,” sa niya.
***
Nakakatawang pinaglaruan ni Vice Ganda ang isang contestant sa segment ng It’s Showtime na And The Breadwinner Is.
Sa nasabing segment ay kung anu-ano ang tinanong niya tulad ng presyo ng basic commodities.
“Kung ang kilo ng bigas ay P50, sige, Ate baka gusto mong isulat. Kung ang kilo ng bigas ay P50, at ang kilo ng baboy ay P300, at ang kilo ng manok ay P280, at ang tubig ngayon ay P150 isang litro, magkano ang confidential fund?” tanong ni Vice Ganda nang nakatawa.
“Saan napunta?” sundot na tanong pa ni Vice Ganda.
***
Inamin ni Anthony Jennings na hiwalay na sita sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva.
“Well, yes, hiwalay na kami. Months ago na rin kaming hiwalay ni Jam. Personal din kasi ‘yung issues namin. Si Jam, hindi naman siya artista, so kini-keep kong pribado, personal, kumbaga, say ni Anthony after the mediacon ng Incognito kung saan kasama niya sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Maris Racal, Baron Geisler at Kaila Estrada.
Ang hiling lang niya ay huwag nang intrigahin ang kanyang ex dahil hindi naman ito taga-showbiz.
“Request ko lang rin sa lahat siyempre na wag niyo nang guluhin ‘yung tao, kasi nga hindi naman siya artista, pribado ‘yung buhay niya,” aniya.
Klinaro ni Anthony na walang kinalaman sa breakup nila ang Incognito co-star niyang si Maris Racal
“Magkaibigan lang po kami (ni Maris),” say niya.